^

Metro

Mister patay sa road mishap

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Patay ang isang pasahero habang malubhang nasugatan ang isa pa makaraang maipit ang mga ito nang aksidenteng magbanggaan ang isang truck at ang sinasakyan ng mga itong tricycle sa Malabon City, kamaka­lawa ng gabi.

Binawian ng buhay ha­bang nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center ang biktimang si Joenard Caraballe, 35-anyos, taga-NBBS, Navotas City. Nagtamo ito ng matinding pinsala sa ulo at katawan.

Ginagamot naman sa na­banggit na pagamutan ang isa pang biktima na si Arman Carillo, 35, naninirahan naman sa Road 10, Sto.  Niño, Navotas City, na nagtamo rin ng pinsala sa ulo at katawan.

Nakakulong naman sa Malabon City Police detention cell ang driver ng truck na si Benedicto Pader, 43-taong gulang, nakatira sa Sinclair St., Camarin, Caloocan City.

Sa report ng Traffic Enforcement Group (TEG) ng Ma­labon City Police, naganap ang insidente dakong alas-9:25 ng gabi sa kahabaan ng Lapu-Lapu Avenue, Malabon City.

Kasalukuyang binabag­tas  ng tricycle na may plakang UW-7209 ang naturang lugar na minamaneho ng driver na si Elmer Ro­saldo, 50, residente  ng Block 13, Lot 43, Phase 2-A, Brgy.  Longos, ng nabanggit na siyudad,  nang bigla na lamang itong salpukin ng truck na puno ng graba.

Sa bilis ng pangyayari ay nawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver ng truck na si Pader kaya’t nabigo na itong maiwasan ang kasalubong na tricycle na halos nayupi sa insi­dente. Kasalukuyan pang iniimbestigahan ang kasong ito.

ARMAN CARILLO

BENEDICTO PADER

CALOOCAN CITY

CITY

CITY POLICE

ELMER RO

JOENARD CARABALLE

LAPU-LAPU AVENUE

MALABON CITY

NAVOTAS CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with