^

Metro

Karnaper umatake uli, DZMM anchor panibagong biktima

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Hindi pa natatapos ang isyu ng dalawang car dealer na pinaslang ng pinaniniwalaang carnapper, muli na namang sumalakay ang kilabot na karnaper makaraang isang Toyota Grandia na pag-aari ng anchorman ng ABS-CBN ang tinangay sa lungsod Quezon, kahapon.

Ayon kay Quezon City Police District director Chief Supt. Benjardi Mantele, isang kulay puting Toyota Grandia Hi-Ace GL 2008 Model na may plakang (ZSA-299) na pag-aari ni DZMM anchorman Carl Balita ang tinangay ng mga suspect.

Nakaparada umano ang nasabing sasakyan sa Torre Ve­necia hotel, parking lot sa Timog corner Mother Ignacia St., ilang hakbang ang layo sa istasyon ng ABS-CBN nang kunin ito ng mga salarin. Sinasabing isang matabang lalaki ang malayang nag­bukas ng van at saka tinangay ito.

Samantala, ipinatawag naman ni Mantele ang guwardiya ng nasabing establisimyento upang magpaliwanag kung papaano nakalusot ang naturang salarin.

Nagtataka si Mantele kung bakit nalusutan ang guwardiya gayong, regulasyon ito ng naturang establisimyento na hanapan ng dokumento ang sinumang lalabas ng kanilang parking lot. Gayunman, patuloy ang kanilang pagsisiyasat ukol dito.

Sa ulat, pasado alas-5 ng umaga nang mangyari ang in­sidente matapos na iparada ni Balita ang kanyang sasakyan sa nasabing lugar.

vuukle comment

AYON

BENJARDI MANTELE

CARL BALITA

CHIEF SUPT

GAYUNMAN

MOTHER IGNACIA ST.

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

TORRE VE

TOYOTA GRANDIA

TOYOTA GRANDIA HI-ACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with