^

Metro

Kelot natagpuang patay

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuang nakahandusay at patay sa isang lugar sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Walang nakuhang anumang pagkakakilanlan sa nasawi maliban sa nagkalat na barya sa paligid nito.

Dahil dito, inilarawan itong may taas na 5’4”, 30-35 anyos, balingkinitan ang katawan, moreno, may tattoo na “BCG 32” sa likod, at nakausot ng asul na t-shirt at maong na pantalon.

Ganap na ala-1:30 ng madaling-araw nang madiskubre ang duguang katawan ng lalaki sa may panulukan ng Bremen at Baker Sts. sa West Fairview Sub­division, Brgy. North Fairview.

Ayon sa pulisya, nagtamo ng dalawang tama ng bala sa likod ang biktima mula sa kalibre .45 pistola.

Patuloy naman ang pag­sisiyasat ng CIDU sa na­sa­bing insidente.

vuukle comment

AYON

BAKER STS

BREMEN

BRGY

DAHIL

GANAP

ISANG

NORTH FAIRVIEW

PATULOY

QUEZON

WEST FAIRVIEW SUB

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with