^

Metro

Pinsan ni Mar Roxas biktima ng carjack

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Pinsan naman ni dating Senador Mar Roxas ang pinakabagong biktima ng grupo ng mga carjacker makaraang tangayin ng mga armadong suspects ang sports utility ve­hicle (SUV) buhat sa kanyang driver, kahapon ng hatinggabi sa Makati City.

 Sa ulat ng Makati Police Station, bandang alas-12:30 ng hatinggabi nang tangayin ng mga armadong suspek ang Toyota Land Cruiser (ZTG-747) na pag-aari ni Margarita Araneta-Fores.

Sinabi ni Fores na hinihintay siya ng kanyang driver na si Roberto Villa­nueva sa may Dela Rosa St., sa Legaspi Village, ng naturang lungsod, na lumabas sa kanyang restaurant nang sumalakay ang mga carjacker at agad na tutukan ito ng baril sa leeg.

Puwersahang kinuha ng mga suspect ang susi ng SUV na ibinigay naman ni Villanueva dahil sa takot na tuluyan siyang barilin ng mga ito. Tinangay din ng mga suspect ang cellular phone ni Villanueva bago siya pinalabas ng sasakyan at tuluyang tangayin ang sasakyan.

Isang SUV pa umano ang sumunod sa Land Cruiser tanda na may kasamang back-up ang mga suspek na sumalakay kay Villanueva.

Agad namang iniulat nina Villanueva at Fores ang insidente sa pulisya na nagpalabas na ng alarma sa tinangay na sasakyan.

Ang naturang insidente ay makaraan naman ang magkakasunod na pagsalakay ng mga sindikato ng carnapping na bumibiktima sa mga car dealers na siyang tinututukan ng pulisya ngayon.

vuukle comment

DELA ROSA ST.

LAND CRUISER

LEGASPI VILLAGE

MAKATI CITY

MAKATI POLICE STATION

MARGARITA ARANETA-FORES

ROBERTO VILLA

SENADOR MAR ROXAS

VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with