^

Metro

600 tindahan sa 5 mall ipinasara

-

MANILA, Philippines - Magkakasabay na ikinandado ang may 600 stalls sa mga mall sa Binondo at Tondo sa Maynila ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) at ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kaugnay sa ‘Oplan-Kandado’ na ipinatutupad ng ahensiya, kahapon ng umaga.

Ayon kay BIR Deputy Com­­missioner  Nelson Aspe, ang pagsalakay ay bunsod ng mga impormasyong wala umanong kaukulang permit o hindi nakarehistro ang mga tindahan kaya’t wala silang papeles na magpapatibay na nagbabayad ng buwis.

Sinamahan ng mga ta­uhan ni P/Supt. Ferdinand Quirante ang mga kinatawan ng BIR sa pangunguna ni Aspe sa pagsisilbi ng closure orders.

Maaari lamang umanong magbukas muli ang mga nasabing stalls na mata­tagpuan sa Divisoria mall, Tutuban mall, 168 mall, 88 at 999 malls kung sila ay nakapag-parehistro na sa Manila City Hall-Bureau of Permits at BIR para sa kaukulang buwis

Target din umano ng BIR ang mga ukay-ukay shops na hindi nagbabayad ng ka­­ukulang  buwis. (Ludy Bermudo at Angie dela Cruz)

ANGIE

AYON

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

DEPUTY COM

FERDINAND QUIRANTE

LUDY BERMUDO

MANILA CITY HALL-BUREAU OF PERMITS

MANILA POLICE DISTRICT

NELSON ASPE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with