^

Metro

Jeepney vs tricycle: 2 driver patay

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Dalawa katao ang patay, habang dalawa pa ang malubhang nasugatan makaraang magsalpukan ang isang tricycle at pampasaherong jeepney sa lungsod Quezon, kamakalawa.

Kinilala ni Senior Insp. Maximo Sabio, hepe ng Traffic Sector 5 ng Quezon City Police District, ang mga nasawi na sina Marbe Ca­gampan, 29, driver ng tricycle at residente sa Dakila St., Batasan Hills; at Michael Gansay, 27, driver ng jeepney at residente naman sa   Molave St., Tondo Manila.

Ang mga sugatan naman ay kinilalang sina Melesa Nevelesco, 45; at Sonny Alunan, 17; kapwa ng Brgy. Ba­tasan Hills sa lungsod.

Ayon kay PO3 Edgardo Talacay, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa may IBP Road sa harap ng Pag-asa, Brgy. Batasan Hills ganap na alas-11:15 ng gabi.

Diumano, binabaybay ng tricycle ni Cagampan ang IBP Road mula Commonwealth Avenue patunong San Mateo nang pagsapit sa naturang lugar ay biglang sumulpot  ang minamanehong pampasaherong jeepney (PWM-609) ni Gansay na tinatahak din ang naturang lugar.

Sinasabing sa sobrang bilis ng takbo ng PUJ ay su­­malpok ito sa center island dahilan para mawalan ng kontrol sa manibela si Gansay at magpagewang- gewang sa lugar hanggang sa banggain nito ang tricycle ni Cagampan saka tuluyang rumampa sa gutter ng IBP Complex at tumaob.

Dahil sa matinding im­pact,nagkalasug-lasog ang katawan ng nabanggit na mga driver at agad silang binawian ng buhay.

vuukle comment

BATASAN HILLS

BRGY

CAGAMPAN

COMMONWEALTH AVENUE

DAKILA ST.

EDGARDO TALACAY

GANSAY

MARBE CA

MAXIMO SABIO

MELESA NEVELESCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with