Manila's Finest Brotherhood, pumalag sa re-assignment ng 26 na opisyal

MANILA, Philippines –  Nanawagan kahapon ang Manila’s Finest Brotherhood Association, Inc. sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na bigyang konsideras­yon ang mga opisyal na ka­sama sa 26 na may ranggong chief inspector na ipadadala umano sa Mindanao.

Ilan umano sa may ranggong major ay nakatakdang magretiro sa susunod na taon at impractical na umanong pahirapan pa sila sa pagpo-proseso ng mga papeles sa kanilang retirement, lalo na sa mga opisyal na ‘rose from the rank’ na matagal na nagserbisyo ng may dedikasyon bago mabigyan ng promosyon.

Show comments