^

Metro

4 Indian dawit sa kidnap, nasa watchlist ng BI

Nila - Gemma Garcia at Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines –  Inilagay na sa watchlist ng Bureau of Immigration (BI) ang apat na Indian nationals na idinadawit sa bigong pagkidnap sa kanilang kababayan at pagpatay sa dalawa katao sa Pasay City noong nakaraang buwan.

Kinilala ni Immigration officer-in-charge Ronaldo Ledesma ang mga Indians na sina  Gurdanshan Singh, Suadagar Singh, Deepak Kumar at Baldev Singh Brar.

Ayon kay Ledesma, nag-isyu siya ng  watchlist order laban sa mga suspek base na rin sa kahilingan ni Pasay City police chief Napoleon Cuaton at ikinukonsidera na rin silang  aliens.

Nilinaw ni Ledesma na mananatili sa watchlist ang apat na Indians habang hindi pa ipinapalabas ang  hold departure order (HDO) ng   Department of Justice at ng korte.

Inatasan na rin ang lahat ng  immigration supervisors at  immigration officers sa lahat ng airports at  seaports sa buong bansa na ipatupad ang kautusan at huwag hayaang makalabas ng bansa ang apat.

Matatandaan na noong Disyembre. Dec. 20,2010 ay tinangkang dukutin ng mga armadong lalaki si James Kumar, 31, sa kahabaan ng  F.B. Harrison Street, Pasay subalit nabulilyaso ito matapos makipagbarilan ni  Senior Insp. Renato Apolinario, ng Pasay police motorcycle patrol unit, kung saan nasugatan ito matapos na mabaril ng mga suspek.

Natangay naman at napatay ng mga suspect ang kasama ni Kumar na si  Andy Ngie at Ferdinand Ret matapos matagpuan ang magkahiwalay nilang mga bangkay sa Bataan at Pangasinan.

Magugunita na anim na pulis Quezon City kabilang ang isang opisyal ang sinibak sa pwesto at sinuspinde kaugnay sa nasabing insidente..

Ang anim na pulis at apat na Indians ay kinasuhan ng murder, kidnapping at attempted kidnapping sa Pasay prosecutor’s office.

Nagawang makatakas ni Kumar sa mga suspek at nagtatakbo saka nagtago sa likod ni  Apolinario na nagkataong napadaan sa lugar ng insidente ng mapansin nito ang komosyon.

vuukle comment

ANDY NGIE

BALDEV SINGH BRAR

BUREAU OF IMMIGRATION

DEEPAK KUMAR

DEPARTMENT OF JUSTICE

FERDINAND RET

GURDANSHAN SINGH

PASAY

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with