^

Metro

Ruta sa prusisyon ng Sto. Niño

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines –  Asahan ang lalo pang pag­si­sikip ng daloy ng trapiko sa mataong lugar ng Tondo, partikular sa mga daraanan ng tradisyunal na prusisyon ng Viva Sto. Niño, na patron sa kapistahan ng Tondo, District 2.

 Ayon kay Manila Police District-Deputy Director Senior Supt. Alejandro Gutierrez, dapat nang iwasan ng mga mo­torist ang ilang kalye sa sakop ng kapistahan sa pagsisimula ng alas-3 ng hapon ngayon araw (Linggo) ang prusisyon.

 Ang ruta o daraanan ng pru­sisyon na magmumula sa Sto. Niño church ay unang da­daan sa Ilaya, kakanan sa C.M. Recto-kakanan sa Sto. Cristo-kakaliwa sa Padre Rada-kakanan sa Asuncion – kaliwa  naman sa Lakandula – kaliwa sa Kagitingan-kakanan sa Zaragoza – tatawid ng Road 10 – tatawid ng Pier 16 – tata­wid ng Radial Road 10 – dadaan ng Smokey Mountain sa Vitas – kakaliwa sa Aglo – kanan  naman sa F. Varona – kakaliwa sa Perla – pakanan sa Sta. Maria tatawid ng Moriones at pabalik na ng simbahan ng Sto. Niño.

 Posibleng abutin din umano ng gabi ang prusisyon dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga tao.

AGLO

ALEJANDRO GUTIERREZ

MANILA POLICE DISTRICT-DEPUTY DIRECTOR SENIOR SUPT

PADRE RADA

RADIAL ROAD

SMOKEY MOUNTAIN

STO

VIVA STO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with