1 pang fetus, itinapon sa CR ng mall

MANILA, Philippines - Isa na namang fetus na nasa pagitan ng 8 hanggang 9 buwang­ gulang ang itinapon sa isang basurahan sa loob ng isang mall sa lungsod Quezon, kamakalawa.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang babaeng fetus ay natagpuan sa loob ng pambabaeng comfort room ng Nova Mall plaza na nasa Quirino Highway, Brgy. Nova Proper, Novaliches sa lungsod­ ganap na alas-8:30 ng gabi.

Ayon kay Gerlie Barton, 21, janitress, naglilinis siya ng comfort­ room ng mga babae nang tignan niya ang basket ng basurahan ay doon niya nakita ang fetus na nakahalo sa basura­.

Show comments