^

Metro

P3-M kemikal, lab equipments winasak

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Sinimulan nang wasakin ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang may 3 milyong pisong halaga ng chemicals at mga laboratory equipments sa paggawa ng iligal na droga.

Ang nasabing mga kagamitan ay sinira sa Green Pla­net Ma­nagement, Inc. (GPMI), ang pasilidad na ac­credited ng ka­gawaran sa pagsira nito na matatagpuan sa Punturin, Valenzuela City

Ayon sa PDEA, ang aktibidad ay bilang pagsunod sa alituntunin para sa kustodiya at disposisyon ng mga mapanganib na droga, controlled precursors at essential chemicals (CPECs) at laboratory equipment na kailangan sa ilalim ng Republic Act 9165 at DDB Regulation No.1, series of 2002.

Ang mga naturang kagamitan ay parte ng mga ebidensyang nasamsam ng PDEA mula sa drug operations kasama na rin ang operasyong ginawa ng Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Customs (BoC) at pribadong kompanya­.

AYON

BUREAU OF CUSTOMS

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

GREEN PLA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PUNTURIN

REGULATION NO

REPUBLIC ACT

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with