^

Metro

54 kilo ng mga bala nahukay

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Natakot ang ilang mga manggagawa sa isang sangay ng MWSS matapos na matagpuan ang tig-kalahating sako ng vintage na bala ng Garand rifles habang naghuhukay dito sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Ayon kay PO2 Terelisco Besa ng Police Station 7 ng QCPD, ang naturang mga bala ay natagpuan sa may Logistics Hub ng MWSS na matatagpuan sa #158 N. Domingo St. Brgy. Horseshoe, Cubao ganap na alas -9:30 ng umaga.

Sinabi ni Besa, kasalukuyang nagsasagawa ng pag­huhukay ang mga trahabador ng naturang kagawaran nang mapuna nila ang dalawang sakong nakabaon dito.

Nang kunin ay bumulaga sa kanila ang nasabing mga bala na tumitimbang ng 54 kilo.

Agad na ipinagbigay alam ng mga kawani ang nasak­sihan sa kanilang amo at itinurn-over ito sa himpilan ng PS7.

Ayon sa pulisya, posibleng ang bala ay kabilang sa mga kagamitan ng mga sundalong Hapon noong World War 2 na naiwan sa nasabing lugar dahilan para matabunan ng lupa sa katagalan.

Ang naturang mga bala ay nakatakdang iturn-over sa ope­ratiba ng Special Wea­pons and Tactics-Explosive Or­dnance Division (SWAT-EOD) para sa kaukulang dis­posis­yon.

AYON

DOMINGO ST. BRGY

LOGISTICS HUB

POLICE STATION

SHY

SPECIAL WEA

TACTICS-EXPLOSIVE OR

TERELISCO BESA

WORLD WAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with