^

Metro

3 miyembro ng 'Ozamis robbery gang' arestado

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines –  Inihayag kahapon ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang pagkakadakip sa tatlong miyembro ng kilabot na Ozamis Robbery Gang makaraang matiyempuhan ang mga ito na nagsasagawa ng paniniktik sa target na bangko na pakay na hol­dapin, sa lungsod ng Maynila.

Iprinisinta kahapon ni NCRPO chief Director Supt  Nicanor Bartolome ang mga nadakip na suspek na sina Rolando No­riega, 36; Ramie Soler, 36, at si Edzel Pamat, 30.

Sa ulat ng NCRPO, na­aresto ang mga suspek ng mga tauhan ng NCRPO-Regional Intelligence Operations Unit at MPD-station 2 dakong alas-7 ng gabi nitong nakaraang Enero 7 sa bisinidad ng Cultural Center of the Philippines Complex sa lungsod ng Maynila.

Nabatid na nakatanggap ng report ang NCRPO sa gagawing pagsalakay ng Alferez Faction ng Ozamis Gang sa sangay ng Metrobank sa may Adriatico Street, Maynila.  Target ng grupo na harangin ang paglilipat ng malaking halaga ng salapi buhat sa bangko tungo sa isang money changer sa Mabini street.

Agad na nagpakalat ng tauhan ang NCRPO at MPD sa naturang bisinidad kung saan unang namataan ang “spotter” ng sindikato na paikot-ikot sa bisinidad ng bangko.  Sinundan naman ng mga pulis ang naturang suspek hanggang sa magtungo sa ibang kasamahan nito lulan ng isang Mitsubishi Adventure (WSS-384) sa tapat ng Star City sa may CCP Complex.

Hindi na nakapalag ang mga suspek nang palibutan ng mga pulis.  Nakumpiska sa kanilang posesyon ang dalawang kalibre .38 baril, isang ka­libre .357 magnum revolver na baril, dalawang granada, mga bala at ang sasakyang gamit.

Sinampahan na ng kasong “illegal pos­session of firearms and ammunitions” ang mga suspek habang inaalam pa ang ibang kasong kinakaharap ng mga ito.

vuukle comment

ADRIATICO STREET

ALFEREZ FACTION

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES COMPLEX

DIRECTOR SUPT

EDZEL PAMAT

MAYNILA

MITSUBISHI ADVENTURE

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

NICANOR BARTOLOME

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with