^

Metro

Paglilinis sa Makati gas leak tatagal pa ng 3-5 taon

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines –  Tatagal pa umano ng tatlo hanggang limang taon ang “remediation program” o paglilinis sa kontaminasyon na dulot ng gas leak sa bisinidad ng West Tower Condominium sa Ba­rangay Bangkal, Makati City.

Ito ang inihayag ni Anthony Cole, regional environmental management officer ng CH2MHill Philippines Inc., ang US-based environmental remediation company, na inupahan ng First Philippine Industrial Corporation (FPIC) para mag­linis sa polusyon sa hangin at lupa na dulot ng gas leak sa kanilang pipeline.

Ngunit sinabi ni Cole na imposibleng makamit ang “zero contamination” sa loob ng hanggang limang taon pero maaari nilang mailagay ito sa numerong katanggap-tanggap para sa kalusugan ng mga residente.

Posible rin umano na ma­kabalik na sa kanilang mga con­dominium units ang mga residente ng West Tower, isang taon makaraan ang puwersahang pagpapalikas sa kanila dulot ng gas leak.

Sinabi ni Edmund Piquero, senior environmental geologist ng CH2MHill, na target nila ang ikatlong quarter ng taon o pinakamaaga ang Hulyo para mailagay sa ligtas na kondisyon ang hangin sa lugar.

Umaabot na sa 3,000 litro­ ng tubig at petrolyo ang nasi­sipsip ng kompanya kada araw. Mula noong Enero 11, 2011, may 37,600 litro na ang kanilang natanggal sa mga re­covery wells mula sa 1.8 mil­yong litro na tinatayang kumalat sa kabuuang 15,000 square meters (1.5 ektarya) na lawak ng lugar.

ANTHONY COLE

BANGKAL

EDMUND PIQUERO

ENERO

FIRST PHILIPPINE INDUSTRIAL CORPORATION

MAKATI CITY

PHILIPPINES INC

SHY

WEST TOWER

WEST TOWER CONDOMINIUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with