^

Metro

70 Koreano ipatatapon ng BI

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines –  Umaabot sa 70 menor-de-edad na Koreano ang ipatatapon palabas ng bansa at inilagay sa immigration blacklist matapos na mahuli ng Bureau of Immigration (BI) na nag-aaral sa Pilipinas nang walang kaukulang permits kasama ang iba pang Koreano na umano’y responsable sa pag-aayos ng papel ng mga bata upang makapasok sa bansa.

Sinabi ni Immigration officer-in-charge Ronaldo Ledesma, ang mga menor-de-edad ay nasakote ng BI Intelligence operatives noong Enero 7 sa loob ng English language learning center sa Fantasy World resort grounds sa Lemery, Batangas na ino-operate naman ng 7 matatandang Koreano.

Ang nasabing mga menor-de-edad umano ay walang kaukulang Special Study permits (SSPs)na kailangang kunin ng mga dayuhang menor sa BI bago mag-enroll sa anumang eskuwelahan sa Pilipinas. Nilinaw naman ni Ledesma na ang mga menor ay kaagad pauuwiin sa kanilang bansa at ilalagay ang kanilang mga pangalan sa immigration blacklist.

Bukod sa 70 menor-de-edad, ipatatapon din ang 7 matatandang Koreano dahil sa illegal na pag-ooperate dito sa Pilipinas ng language school nang walang kaukulang permiso mula sa BI.

Anim sa pitong Koreans ang kinilala ni Ledesma na sina  Hye Young Kim, Myeong Sun Jeon, Ji Yeoun Lee, Bac Chang Tin, Kim Gie Sou, at Moon I Ho, na mayroong mga hawak na  tourist visas.

Samantala, si Kwang Ye Lee ay iniulat na mayroong permanent resident visa subalit ka­kanselahin din ito dahil sa paglabag sa kon­disyon ng pananatili nito sa bansa.

Ang pagkakaaresto sa mga Koreano ay bunsod sa reklamo ng  jueteng whistleblower  na si Sandra Cam dahil sa illegal na pag-ooperate ng language center kung saan ginagamit nitong pangalan ay Nazareth Institute of Alfonso.

BAC CHANG TIN

BUREAU OF IMMIGRATION

FANTASY WORLD

HYE YOUNG KIM

JI YEOUN LEE

KIM GIE SOU

KOREANO

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with