^

Metro

Pagsabog sa Glorietta hindi bomba o pag-atake ng terorista - DOJ team

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines –  Hindi sanhi ng bomba at hindi rin isang pag-atake ng terorismo ang naganap na pagsabog sa Glorietta 2 Mall noong Oktubre 19, 2007.

 Ito ay base sa  resulta ng imbestigasyon ng fact-finding team na binuo ng Department of Justice (DOJ) na pinangunahan nina Senior Assistant State Prosecutor Peter Ong at Assistant State Prosecutor Gino Paolo Santiago.

Sa nasabing findings, hindi umano kumbinsido ang panel sa pahayag ni retired Col. Allan Sollano na ang pagsabog ay sanhi ng Improvised Explosive Device (IED).

Matatandaan na si Sollano ay lumantad noong nakalipas na taon o tatlong taon matapos ang pagsabog. 

Batay umano sa mga phy­sical evidence, tinukoy ng panel na ang pagsabog ay posib­leng sanhi ng me­thane gas o  biogas diesel/fumes at hindi binigyang bigat ang plastic bag na umano’y ebidensya ni Solla­no na kanyang narekober sa ibabaw ng diesel fuel tank sa basement ng Makati Super­market na hinihinalang ginamit na pambalot ng bomba.

Sa pag-iimbestiga ng Phi­lippine National Police (PNP) crime laboratory service, tinukoy ni Sollano na nagpositibo umano ang bag sa mga trace ng RDX na sangkap ng C4 na isang uri ng pampasabog.

Pero pinagdudahan ng panel­ ang pahayag ni Sollano dahil nakapagtataka umano kung paano nagpositibo sa sangkap na pampasabog ang naturang plastic bag gayong negatibo naman sa pampasabog ang diesel fuel tank.

Bukod dito, hindi rin umano consistent si Sollano sa kanyang pahayag dahil una niyang tinukoy na ang plastic bag ay narekober niya sa likuran ng isang kotse pero binawi niya iyon at sinabing nakuha niya iyon sa ibabaw ng diesel fuel tank.

Nadismaya rin nang husto ang panel kay Sollano dahil nabigo itong makadalo sa ilan nilang mga pagdinig.

Inirekomenda rin ng binu­ong lupon na imbestigahan ng PNP o ng NBI ang posibleng paglabag ni Sollano at ng iba pa niyang kasamahan dahil sa posibleng paglabag sa PD 1829 o Penalizing Obs­truction of  Aprehension and Pro­secution of Criminal Of­fenders.

ALLAN SOLLANO

APREHENSION AND PRO

ASSISTANT STATE PROSECUTOR GINO PAOLO SANTIAGO

CRIMINAL OF

DEPARTMENT OF JUSTICE

IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICE

MAKATI SUPER

SHY

SOLLANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with