^

Metro

Holdaper na totoy tiklo

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Sa murang edad ay naging pusakal na holdaper at snatcher na ang isang 16 -anyos na binatilyo dahil sa pagkakasangkot nito sa serye ng robbery na isa sa biktima ay anak ng Judge sa lungsod Quezon. Kinilala ni Supt. Edgardo Pamitan ng Galas police station­ ang suspect na si Joseph Mondejar, ng Brgy. Tatalon, sa lungsod, na naispatan ng kanyang tropa habang nambiktima sa nakilalang si Remedios Salvo, 18, dalaga, helper ng 4 C. Madiac St., Brgy. Santol sa lungsod.

Ayon kay Pamitan, si Mondejar din ang matagal nang tinutugis ng QCPD matapos na madawit sa pagnanakaw noong Nobyembre ng 2010 sa anak ni Judge Alexander Balut ng QC-RTC.

Tinutugis naman ang kasamahan ni Mondejar na nakilalang si Robert Pilar na nagawang makatakas sa mga awtoridad

Sa ulat, nadakip si Mondejar ganap na alas-12:10 ng ma­daling- araw sa harap ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa E. Rodriguez Blvd., corner BMA St., Tatalon. Sinasabing naglalakad ang biktima sa naturang lugar kasama ang isang kaibigan nang sumulpot ang mga suspect na armado ng baril at patalim. Mula rito ay tinutukan ng mga suspect ang biktima sabay kuha sa mga gamit nito at tumakas.

Agad namang humingi ng tulong sa nagdaraang mobile patrl car ang biktima at mga barangay tanod saka nagsagawa ng follow-up operations at nadakip si Mondejar.  

Narekober mula sa kanya ang isang kalibre . 38 baril habang hindi naman narekober ang bag ni Remedios na naglalaman ng cash, at mga identification cards na pinaniniwalaang naipasa ng suspect sa kasamahan. Kasong robbery at illegal possesion of firearms ang kinakaharap ngayon ni Mondejar.

vuukle comment

BRGY

EDGARDO PAMITAN

JOSEPH MONDEJAR

JUDGE ALEXANDER BALUT

MADIAC ST.

MONDEJAR

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

REMEDIOS SALVO

ROBERT PILAR

RODRIGUEZ BLVD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with