^

Metro

Nagwalang kapitbahay utas sa parak

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Patay ang isang 37-anyos na lalaki makaraang barilin   ng kapitbahay niyang pulis nang lumusob umano ang una na armado ng itak, kamakalawa ng tanghali sa Muntinlupa City.

Hindi na umabot ng buhay sa Alabang Medical Center dahil sa tinamong tama ng bala sa lalamunan ang biktimang si Ricky Alcantara, ng Bautista Street, Bayanan, ng naturang lungsod.

Kusang-loob namang su­muko sa mga nagrespondeng tauhan ng Muntinlupa Police-Mobile Patrol Unit ang suspek na si PO1 Rexell Gabelo, nakatalaga sa National Capital Regional Police Office sa Bicutan, Taguig City.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-12:10 ng tanghali sa tapat ng bahay ni Gabelo. Nabatid na nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa kung saan minasama ito ng bik­timang si Alcantara.

Armado umano ng itak si Alcantara nang lusubin ang pulis­ na si Gabelo sa bahay nito. Sinabi ng pulis na ipinagtanggol niya ang sarili nang barilin ang biktima na akmang tatagain umano siya.

Isinuko naman ni Ga­belo ang kanyang .9mm ser­vice firearm na ginamit sa pamamaril.

vuukle comment

ALABANG MEDICAL CENTER

ARMADO

BAUTISTA STREET

GABELO

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA POLICE-MOBILE PATROL UNIT

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

REXELL GABELO

RICKY ALCANTARA

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with