^

Metro

Pasay police nataranta sa 'bomba'

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nagpanik ang mga miyembro ng Pasay City police makaraang akalaing naglalaman ng bomba ang isang karton na basta na lamang iniwan sa likod ng US Embassy Diplomatic Corps sa F.B. Harrison Street, kahapon ng hapon.

Dakong ala-1:15 ng hapon nang mapansin ng pulisya ang iniwan na kahon sa waiting shed sa naturang lugar na nasa tapat rin ng PLDT Office. Ipinagbigay-alam ang naturang kahon sa pulisya kung saan ru­mesponde naman ang mga tauhan ng Explosive and Ordnance Division (EOD).

Sinabi ni Pasay police chief, Sr. Supt. Napoleon Cuaton na dahil hindi nila alam kung ano ang laman ng naturang kahon, ipinag-utos niya ang pag-detonate dito para na rin sa kaligtasan ng kanyang mga tauhan.

Isinara ng pulisya ang kahabaan ng F.B. Harrison Street mula EDSA hanggang Libertad Street, kinordon ang lugar at hinila ang kahon sa pama­magitan ng isang tali patungo sa gitna ng kalsada. Dito na ginamitan ng “water disruptor charge” ang kahon upang pasabugin.

Lumalabas naman na pawang mga papel at iba’t iba pang abubot ang laman ng naturang kahon na posibleng pag-aari ng hindi pa nakikilalang palaboy na natutulog sa naturang waiting shed.

Bagama’t lumikha ng pa­ngamba, ipinagtanggol ni Cuaton ang aksyon kung saan sinabi nito na mas nakakabuti nang maging maingat sa paghawak ng hinihilang bomba kaysa sa masabugan ang kanyang mga tauhan o sinumang inosenteng sibilyan.

BAGAMA

CUATON

DAKONG

EMBASSY DIPLOMATIC CORPS

EXPLOSIVE AND ORDNANCE DIVISION

HARRISON STREET

LIBERTAD STREET

NAPOLEON CUATON

PASAY CITY

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with