^

Metro

3 sundalo sabit sa pagkakapatay sa 7-anyos na paslit, abswelto

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Inabsuwelto ng Quezon City court ang tatlong sundalo na dawit sa pagkakapatay sa 7-anyos na batang babae at pagkakasugat ng dalawang iba pa kaugnay ng isinagawang raid ng awtoridad sa umano’y bahay ng bigtime drug lord na si Alfredo Tiongco noong 1997 sa nabanggit na lungsod.

Sa 9-pahinang desisyon na may petsang Disyembre 30, 2009, ngunit isinailalim lamang sa promulgasyon kamakalawa, ipinaliwanag ni QC Regional Trial Court (QC- RTC) Branch 221 Presiding Judge Jocelyn Solis-Reyes na walang opsyon ang hukuman kundi iabsuwelto ang mga akusado dahil nabigo ang prosekusyon na patunayang nagkasala ang mga ito.

Ayon pa kay Judge Reyes na bagamat maaaring makasuhan sa mas mababang krimen ang mga akusado, hindi nila puwedeng hatulan ang mga ito sapagkat tumanggi ang mga biktima na isulong pa ang kaso laban sa mga suspek.

Magugunitang sinampahan ng kasong homicide at dalawang bilang ng frustrated homicide ang mga akusado matapos ang shooting incident na naganap sa lungsod noong Hulyo 13, 1997 na ikinamatay ng batang si Paulyn Lacson at ikinasugat ng kanyang amang si Ricardo Lacson at isang nagngangalang Alano Parafina.

Naganap ang pamamaril habang nagsasagawa ng raid ang pinagsamang puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI), Special Weapons and Tactics (SWAT), Presidential Security Group (PSG) at special forces ng Philippine Army sa bahay ni Alfredo Tiongco sa Paisan St., Talayan Village sa lungsod.

Pinaghihinalaang konektado si Tiongco, isang Filipino-Chinese businessman, sa international drug ring na 14-K na nakabase sa Hong Kong.

Batay sa testimonya ni Lacson, dakong alas-4:30 ng ma­daling-araw nang umalis sila ng kanyang anak na si Paulyn kasama ang 10-anyos na si Rodelyn Daban sa kanilang bahay sa No. 199 Calamba Street, Talayan Village at sakay sila ng pulang Toyota Corolla (TBL-611).

Nang kumanan umano sila sa Talayan St. at maabot ang kalye ng Pasian St., hindi umano niya napansin na may checkpoint sa lugar kaya nagpatuloy siya sa pagmamaneho at doon na nga sila umano pinagbabaril ng mga akusado.

ALANO PARAFINA

ALFREDO TIONGCO

CALAMBA STREET

HONG KONG

JUDGE REYES

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PAISAN ST.

PASIAN ST.

TALAYAN VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with