^

Metro

TRO vs LRT/MRT fare hike isasampa sa SC

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nagbalala ang grupong National Council for Commuters Protection (NCCP) sa Department of Transportation and Communications (DOTC) na magsasampa sila ng temporary restraining order (TRO) sa Korte Suprema kung igigiit nito ang inaprubahang pagtataas sa singil sa Light Rail Transit at Metro Rail Transit.

Sinabi ni NCCP president Elvira Medina na inihahanda na nila ang dokumento para sa hihilinging TRO sa Korte Suprema sa oras na matapos ang pag-aanalisa nila sa ipinadalang kopya ng DOTC para sa fare hike.

Iginiit nito na hindi na kaya ng mga mananakay ang dag­dag na pahirap na ibibigay ng pamahalaan na dapat sanang gumagawa ng paraan para maibsan ang dusa sa trans­portasyon lalo na sa mga sumusuweldo ng nasa minimum lamang.

Dadalo rin naman ang NCCP sa itinakdang “public consultation” ng DOTC sa darating na Pebrero 4-6. Dito umano nila ihahayag ang kanilang pagtutol sa fare increase. Kung hindi umano makikinig ang pamahalaan ay saka sila hihiling ng TRO sa oras na mailabas na ang pinal na desisyon.

Samantala, sumugod naman sa MRT North Avenue Station, LRT Line 1 Monumento Station at LRT Line 2 Recto Station ang mga miyembro ng bagong grupong Riles Network kung saan nagsagawa ng “noise barrage” bilang pro­testa sa fare hike. Patuloy din naman ang isinasagawang pagpapapirma sa mga pasahero na ayaw ng pagtataas sa pasahe na ipararating umano sa Malacañang.

Sinabi ng kanilang tagapagsalita na si Sammy Malunes na hindi umano dapat maging income generation vehicle ang mass transport system ng pamahalaan dahil sa isa itong serbisyo ng gobyerno sa publiko na nagbabayad sa kanila ng buwis.

Samantala, nilinaw naman ni Light Rail Transit Autho­rity spokesman Hernando Cabrera na hindi pa pinal ang inilabas na fare hike ng DOTC kung saan idadaan pa ito sa public consultation. Maaari pa umano itong bumaba depende sa magiging usapan sa mga stakeholders sa transportasyon.

Sinabi naman nito na marami rin umano sa kanilang pasahero ang pabor sa pagtataas sa pasahe kung ma­ngangahulugan naman ito sa mas maayos na serbisyo tulad ng dagdag na mga tren, mabilis at kumportableng biyahe at maaayos na mga pasilidad.

Sa panukala ng DOTC, tataas ang maximum na pasahe sa LRT 1 (Roosevelt-Baclaran) mula P20 sa P30 at LRT-2 (Santolan-Recto) mula P15 sa P25. Aakyat naman sa P28 mula sa P15 ang maximum na pasahe sa MRT (North Avenue-Taft Avenue).

COMMUTERS PROTECTION

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

ELVIRA MEDINA

HERNANDO CABRERA

KORTE SUPREMA

LIGHT RAIL TRANSIT

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHO

METRO RAIL TRANSIT

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with