^

Metro

Tungkulin sa bayan gampanan

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Pinayuhan ni Manila Mayor Alfredo S. Lim ang mga miyembro at opisyal ng Manila Police District (MPD) na manindigan sa kanilang sinumpaang tungkulin, res­petuhin ang kanilang uniporme at huwag gagawa ng anumang katiwalian.

Ipinahayag ito ni Lim sa kanyang pagdalo sa ika-110 taong anibersaryo ng MPD kasabay ng mga kinasasangkutang isyu ng mga pulis kung saan nawawala na rin ang tiwala ng publiko.

Ayon kay Lim, hanggang  sinusunod ng mga pulis ang kanilang sinumpaan at dedikasyon sa pagtatra­baho, walang masamang mang­yayari sa mga ito.     

Subalit aminado si Lim na lubhang nakasisira sa mga matitinong pulis ang hindi magandang gawain ng ilang pulis.

Giit pa ng alkalde, ang pulis ay siyang dapat nagbibigay proteksiyon sa publiko at hindi dapat na kinatatakutan.

Hindi rin umano dapat na payagan ng MPD ang `hoodlums in uniform’ sa ka­nilang puwersa at sa halip ay ibalik ang tiwala ng tao.

Sa kanyang 38 taong pagiging pulis, sinabi ni Lim, na hind rin umano dapat na protektahan ng mga opisyal ang kanilang mga tauhan na lumalabag sa batas.

Samantala, ginawaran din ng parangal ng MPD si Manila Bulletin Publ­i­shing Corporation chairman Don Emilio T. Yap, Filipino-Chinese General Chamber of Commerce Inc. chairman emeritus Dr. James Dy, Fede­ration of Fili­pino-Chinese Cham­bers of Commerce and Industry Inc., at si MPD Press Corps President Bernardo Batuigas.

CHINESE CHAM

COMMERCE AND INDUSTRY INC

DON EMILIO T

DR. JAMES DY

FILIPINO-CHINESE GENERAL CHAMBER OF COMMERCE INC

MANILA BULLETIN PUBL

MANILA MAYOR ALFREDO S

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with