Fetus iniwan sa tapat ng bahay

MANILA, Philippines - Isang lalaking fetus na hinihinalang nasa lima hanggang anim na buwan ang itinapon sa tapat ng bahay ng isang residente ng Sta. Ana, Maynila, kahapon ng mada­ling araw. Sa ulat ni SPO2 Dave Tuazon  ng Manila Police District-Homicide Section, bandang 1:30 ng madaling araw nang mapuna ng isang residente ang isang kahon sa tapat ng bahay  ng no. 2562  Pasig Line St. Sta. Ana, Maynila.

Inakala ng isang Mark Dizon, 17, na ang kahon ay may laman na maaring pakinabangan subalit ang tumambad sa kaniya ay isang plastic bag na may fetus. Inilagak na sa . St. Harold Funeral Homes ang fetus.

Show comments