^

Metro

250 wheelchair tinanggap ni Lim

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Umaabot sa 250 wheelchair ang tinanggap kahapon ng umaga ni Manila Mayor Alfredo S. Lim mula sa mga opisyal at miyembro ng Phi Kappa Mu Fraternity, UP-PGH Chapter na pinangu­ngunahan ni Jason Paragas.

Pinasalamatan naman ni Lim ang Phi Kappa Mu Fraternity kasabay ng pahayag na maraming nangangaila­ngang residente ng Maynila ang matutulungan nito.

 “Sana lahat ng frater­nities ay katulad ng Phi Kappa­ Mu Fraternity na tumutulong sa mga programa para sa mga kababayan natin na nangangailangan ng tulong at kalinga. Hindi tulad ng ibang fraternities na may mga ginagawang bagay na nagi­ging dahilan ng kaguluhan at paglabag sa batas,” ani Lim.

Personal na dinideliber ni Lim ang mga wheelchair sa mga tunay na benepisaryo nito mula sa anim na distrito ng Maynila simula ng kanyang pagbabalik bilang alkalde noong Hulyo 2007.

Sinabi pa ni Lim na hindi na niya pinapupunta sa city hall ang mga benepi­saryo ng wheelchair at sa halip ay ginagawa niya ang pagde­deliber tuwing Sabado, Linggo at holidays.

Ang pagtanggap ng mga wheelchair ay sinaksihan ng mga opisyal, department heads at city employees ma­tapos ang flag-raising cere­mony sa Freedom Triangle ng Manila City Hall.

FREEDOM TRIANGLE

JASON PARAGAS

MANILA CITY HALL

MANILA MAYOR ALFREDO S

MAYNILA

MU FRATERNITY

PHI KAPPA MU FRATERNITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with