MANILA, Philippines - Pabor si Manila 2nd District Councilor Numero Lim sa abolisyon ng Department of Interior and Local Government (DILG) kaugnay ng sinasabing “duplication” ng tungkulin nito.
Ayon kay Lim, naniniwala siya na mas may karapatan ang local government units alinsunod na rin sa isinasaad ng local government code.
Para kay Lim, ang DILG ay mistulang “lord of LGU”.
Subalit para kay 4th District Councilor DJ Bagatsing, maaari namang paghiwalayin na lamang ang local government at ang peace and order kung saan kabilang ang paghawak sa pulis.
Sa puntong ito aniya ay mas mabibigyan ng atensiyon ang mga LGUs, gayundin ang mga katiwaliang kinasasangkutan nito at ang pagpapatupad ng kaayusan sa panig ng mga pulis.