^

Metro

Chop-chop victim natagpuan sa QC

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang chop-chop na katawan ng tao na walang ulo, walang kamay, mga paa at sex organ ang na­tagpuan ng isang residente sa harap ng isang chapel sa lungsod Quezon.

Ayon kay PO2 Hermogenes Capili ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, hindi pa matukoy ang biktima subalit pinani­niwalaang miyembro ito ng notorious na Sigue-Sigue Sputnik gang dahil sa tattoo nito sa katawan.

Ang nasabing putol na katawan ay natagpuan ni Noel Caneda, 42, na nakalagay sa isang garbage bag sa harap ng Our Lady of the Holy Rosary sa Belfast St., Brgy. Lagro ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay Caneda, iihi siya nang mapansin ang itim na garbage bag na nakakalat ganap na alas-3:30 kamakalawa ng hapon.

Sa pag-aakalang may mapapakinabangan sa naturang bag ay nagpasya si Caneda na buksan ito, hanggang sa bumulaga sa kanya ang putol na katawan ng tao.

Agad na ipinagbigay- alam ni Caneda ang nasaksihan sa barangay na siya namang nagpaabot ng impormasyon sa tanggapan ng Police Station 5 ng QCPD para sa imbestigasyon.

vuukle comment

AYON

BELFAST ST.

CANEDA

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

HERMOGENES CAPILI

NOEL CANEDA

OUR LADY OF THE HOLY ROSARY

POLICE STATION

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SIGUE-SIGUE SPUTNIK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with