^

Metro

P.1-M reward vs rapist cop

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Bilang panimulang hak­­bang sa ikadarakip ng isang pulis-Maynila na inireklamo sa panggagahasa sa isang 30-anyos na vendor noong Disyembre 31  sa mismong headquarters ng Manila Police District, nagkaloob ng P100,000 ang isang Chinese civilian group sa sinumang makapagtuturo para sa ikadarakip nito.

Kinumpirma kaha­pon ni P/Supt. Nelson Yabut, hepe ng MPD-Public Safety Battallion na ang nabanggit na halaga ay tulong ng na­sa­bing grupo sa layu­ning ma­­bilis na maaresto ang suspect na si PO3 Antonio Bautista, dating nakatalaga sa MPD District Intelligence Division

Nabatid na nasampahan na ni MPD-Women and Children Concern Division, chief, C/Insp Anita Araullo sa Manila Prosecutor’s Office ng kasong robbery at rape si Bautista na patuloy pang nagtatago

Una nang napaulat ang reklamong panggagahasa ni Bautista kay “Eva” noong madaling-araw ng Disyembre 31, matapos itong ba­­gan­siyahin, kasama ang da­­­­lawa pang babae, sa Carriedo St., sa Sta Cruz, Maynila.

Kinuha ni Bautista ang laman ng wallet ni “Eva” na P4,00 kapalit ng kalayaan.

ANTONIO BAUTISTA

BAUTISTA

CARRIEDO ST.

DISTRICT INTELLIGENCE DIVISION

DISYEMBRE

EVA

INSP ANITA ARAULLO

MANILA POLICE DISTRICT

MANILA PROSECUTOR

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with