^

Metro

Discount sa taxpayer na magbabayad ng maaga

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Nanawagan si Manila Mayor Alfredo Lim sa mga taxpayer ng lung­sod na agad na asikasuhin ang kanilang ob­­ligasyon sa pagbaba­yad ng buwis upang ma­kakuha ng discounts at maiwasan ang anumang aberya.

Ayon kay Lim, inatasan na niya si city treasurer Vicky Valientes na unahin ang mga business at real property owners na nais na magbayad ng mas ma­­aga sa pamamagitan ng pagbubukas ng city taxpayer center tuwing Sabado at Linggo.

Napag-alaman naman kay Valientes na noon pang isang linggo nila sinimulan ang pagbubukas ng tax center mula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.

Batay na rin sa direktiba ni Lim, sinabi ni Valientes na ang nasabing deadline para sa pagbabayad ng business taxes, business permits at iba pang regulatory fees ay hanggang   Enero 20. Ma­ka­kakuha naman ng 10 porsiyentong diskuwento ang makapagbabayad sa nasabing petsa.

Samantala, 20 porsi­yento naman   ang disku­wento sa mga magbabayad ng real property taxes bago matapos ang buwan ng Enero 2011.

Payo pa ni Valientes na maagang magbayad upang maiwasan ang anu­mang pagsisiksikan, aberya at penalty.

vuukle comment

AYON

BATAY

ENERO

LINGGO

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

NANAWAGAN

SHY

VALIENTES

VICKY VALIENTES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with