^

Metro

Epileptic nalunod sa Manila Bay

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines –  Pinaniniwalaang sinum­pong ng sakit na epilepsy ang isang hindi pa kilalang lalaki na nalunod sa Manila Bay, matapos magpahinga at antukin sa tabing-dagat, kahapon ng umaga sa Roxas Boulevard, Malate, Maynila.

Sa paglalarawan ni PO2 Jupiter Tajonera ng Manila Police District-Homicide Section, ang biktima ay nasa edad 50-55, mataba, may taas na 5’7’’ nakasuot ng green na t-shirt at maong na shorts.

Dakong alas-11:45 ng umaga kahapon nang ma­kitang nahulog ang biktima sa dagat ng Manila Bay, na mabilis umanong lumubog dahil sa bigat nito.

Nabatid na nakikain pa umano ang biktima sa isang regular na feeding program para sa mahihirap na isina­sagawa ng isang alyas “Gabriel”, isang foreigner, sa tapat ng Hyatt Hotel, sa Roxas Blvd.

Ilan sa nakakita ang nag­sabi na may sakit na epilepsy ang biktima.

Dinala ang bangkay ng biktima sa St. Yvan Funeral Homes para sa awtopsiya at safekeeping.

DAKONG

DINALA

HYATT HOTEL

ILAN

JUPITER TAJONERA

MANILA BAY

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

ROXAS BLVD

ROXAS BOULEVARD

ST. YVAN FUNERAL HOMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with