^

Metro

75 bahay natupok

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines –  Tinatayang aabot sa  75 bahay ang tinupok ng apoy dahil sa hinihinalang napabayaang kandila sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Sa inisyal na report ng Caloocan City Fire Department, nabatid na  alas-3:45 ng madaling-araw nang magsimula ang sunog sa  bahay ng isang nagngangalang Arsenio, 62, sa Tabon St., Malaria ng nabanggit na lungsod.

Bagamat nagtulung-tulong­ ang mga residente, hindi na rin napigilan ang paglaki ng apoy na nagre­sulta ng paglamon nito sa mga bahay.

 Napag-alaman na  nawalan ng ilaw sa nasabing lugar kung kaya’t gumamit ng kandila ang ilang residente.

Dahil gawa sa light ma­terials ang mga bahay, mabilis na kumalat ang apoy,  kung saan naapula ito dakong  alas-6 na  ng umaga.

Wala namang naiulat na nasawi o nasaktan sa nasabing insidente.

ARSENIO

BAGAMAT

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY FIRE DEPARTMENT

DAHIL

NAPAG

TABON ST.

TINATAYANG

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with