^

Metro

6 Hijackers naka-police jackets: P.5-M mayonnaise natangay

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines –  Aabot sa P.5 milyon halaga ng mayonnaise ang  na-hijack kahapon ng madaling-araw ng anim na armadong kalalakihan na pawang nakasuot ng police jackets sa isang aluminum van sa Sta. Mesa, Maynila.

Batay sa ulat ng Manila Police District Anti-Carnapping and Hijacking (MPD-ANCARH), ang mga hijackers umano ay nakasakay sa isang kulay puti na Mitsubishi Adventure habang isang  motor­siklo ang humarang sa Isuzu Elf truck (TVB-747) na nagla­laman ng kargamento na pag-aari ng United Freight Services Development Corporation, dakong alas-12 ng madaling-araw.

Tinatahak umano ng truck ang Valenzuela St., malapit sa Bacood Park, Sta. Mesa nang harangin ng mga armadong lalaki, tinutukan at inutusan ang driver at pa­hinante na bumaba ng truck. Isa sa suspect ang nagmaneho sa nasabing truck at convoy naman umano ng iba pang suspect na sakay ng motorsiklo at SUV.

Sa inihaing reklamo ni Ruben delos Reyes, operator ng United Freight Services Development Corporation, nasa 240 kahon ng mayonnaise jars na nagkakahalaga ng P442,540 ang natangay ng mga hijackers.

Kinuha umano ang nasabing cargo sa Libis, Quezon City at patungo umano sana sa Parañaque City upang ideliber. Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang MPD-ANCARH para matukoy ang mga suspect na nagpakilala umanong mga pulis.

AABOT

BACOOD PARK

BATAY

ISA

ISUZU ELF

MANILA POLICE DISTRICT ANTI-CARNAPPING AND HIJACKING

MITSUBISHI ADVENTURE

QUEZON CITY

UNITED FREIGHT SERVICES DEVELOPMENT CORPORATION

VALENZUELA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with