^

Metro

Misis ginabi ng uwi, tinodas ni mister

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines –  Dahil sa ginabi ng pag-uwi, isang babae ang pi­natay sa saksak ng kanyang kinakasama at sinaksak din ang kapatid ng una nang magtangka itong umawat kahapon ng umaga sa Makati City.

Dead-on-arrival sa Os­pital ng Makati ang biktimang si Christma Ramos, 22, ng #3909 Macabulos St., Brgy. Bangkal, Makati matapos na magtamo ng maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nasa kritikal naman na kondisyon at nilalapatan ng lunas sa nabanggit na pagamutan ang kapatid ng biktima na si Christopher, 18. Nagtamo rin ito ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, nakakulong naman sa Makati City Police detention cell ang suspect na si Ernesto Carurucan, 22, residente rin ng nabanggit na lugar.

Sa report na isinumite sa tanggapan ni Chief Supt. Arne Mirabel delos Santos, district director ng Southern Police District Office (SPDO), naganap ang insi­dente dakong alas-2 ng madaling-araw sa bahay ng biktima. Sinita ng suspect ang biktima na nauwi sa ma­tin­ding pagtatalo.

Bunsod nito, naha­gilap ng suspect ang isang kut­silyo at inundayan nito ng saksak ang biktima. Tinangka namang sumaklolo ni Christopher subalit ito naman­ ang pinagba­lingan ng suspect.

Mabilis namang nakahingi ng tulong ang mga kapit­bahay ng biktima kung kaya’t agad na nadakip ang suspect.

vuukle comment

ARNE MIRABEL

CHIEF SUPT

CHRISTMA RAMOS

ERNESTO CARURUCAN

MACABULOS ST.

MAKATI

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

SHY

SOUTHERN POLICE DISTRICT OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with