^

Metro

Bading ninakawan ang amo dahil sa bf

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Ipinabalik sa Maynila mula sa Daniel Romualdez Airport sa Tacloban City ang isang 34-anyos na umano’y ‘bading­’  na sakay ng Cebu Pacific flight matapos ialarma sa Aviation Security Group sa NAIA ang pagnanakaw  umano nito sa amo ng P19,000 cash na payroll money at P5,000 na revolving fund at $1,000 sa Malate, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni MPD-Theft and Robbery Section (TRS) chief, C/Insp Edgardfo Carpio ang suspect na si Arvin Pineda, 34,  stay-in helper  sa Unit F 2690 Arellano Ave., corner Zobel Roxas St., Malate, Maynila.

Bunsod ito ng pagdulog ng biktimang si Vincent Marbella, 31, Civil Engineer na nawalan ng nasabing halaga.

Sa ulat ni Carpio,  dakong alas-12:50 ng mada­ling-araw nang i-turn over sa kanilang tanggapan ang suspect  matapos itong arestuhin sa paglapag ng eroplano sa airport sa Tacloban City.

Sa reklamo ng biktima, noong Enero 4, dakong 9:00 ng umaga nang mapuna ng pamilya Marbella na wala ang suspect hanggang sa matuklasan na wala na sa loob ng kaniyang drawer ang P19,000 cash na payroll money at P5,000 na revolving fund.

Mabilis ding ibineripika ng biktima ang 1-libong dolyar na idineposito nito sa account ng suspect at natuklasang nai-withdraw na.

Ayon sa biktima, nakum­binse siya ng suspect na depositohan ng US$1,000 ang kaniyang   account upang may maipakitang ‘show money’ sa planong magtungo sa abroad upang magtrabaho.

“Nakiusap ang suspect  sa kanyang amo kung puwede siyang magbukas ng dollar account bilang show money sa pag-aaply nito papuntang abroad para magtrabaho su­balit winithdraw ito ng suspect,” ani Carpio.

Sa tulong ng pulisya,   na­tukoy na  sakay ng eroplano ang suspect na patungo sa Tacloban City kaya agad itong ipina-alarma sa NAIA Aviation Security Group at nakipag-ugnayan naman ang grupo ng MPD sa pangunguna ni  PO2 Marlon San Pedro sa pagdakip sa suspect.

Sinabi umano ng suspect na napilitan siyang kunin ang pera upang matulungan ang kaniyang dalawang boyfriend na nag-abroad bilang waiter sa Jordan at ang isa na pinadadalhan ng pera sa Cagayan de Oro.

vuukle comment

ARELLANO AVE

ARVIN PINEDA

AVIATION SECURITY GROUP

CARPIO

CEBU PACIFIC

CIVIL ENGINEER

MAYNILA

SUSPECT

TACLOBAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with