^

Metro

3 QC police, 4 na Indian kinasuhan sa kidnap

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Sinampahan na ng patung-patong na kasong kriminal ng Pasay City Police ang tatlong miyembro ng Quezon City Police District (QCPD), apat na Indian nationals at isang sibilyan kaugnay ng pagdukot at pagpatay sa dalawang lalaki sa Pasay City noong nakaraang Disyembre 20.

Kinilala ni Pasay Police chief, Sr. Supt. Napoleon Cuaton ang mga kinasuhan na sina Police Chief Insp. Edwin Faycho, hepe ng QCPD-District Anti-Illegal Drugs; PO2 Edmond Faculdar; PO1 Mark Edward Zapata; mga Indian nationals na sina Gurdanshan Singh, alyas Geedee Singh; Saudagar Singh; Deepak Kumar; Baldev Singh Brar; Charles Pineda Lou at iba pang John Does.

Sinampahan ang mga ito sa Pasay Prosecutor’s Office ng mga kasong attempted kidnapping with frustrated homicide sa bigong pagdukot at pagbaril sa biktimang si Manjinder “James” Kumar; Direct Assault at Frustrated Murder sa pagkakabaril kay Sr. Insp. Renato Apolinario; dalawang bilang ng murder sa pagpaslang kina Ferdinand Ret at Andy Bryan Ngie; at carnapping sa pagtangay sa Mazda van ni Ngie.

Ayon kay Cuaton, una nilang nakilala si Lou nang makunan ng “video footage”  sa pag-withdraw ng P7,000 sa isang ATM machine buhat sa card ng biktimang si Ngie noong Disyembre 21 sa Urdaneta, Pangasinan.  Inimbitahan naman ng pulisya si Lou upang magpaliwanag ngunit tumawag lamang ito sa telepono kung saan itinuro si PO1 Zapata na umano’y kanyang pinsan na siyang nagpatulong sa kanya upang ibenta ang Mazda Friendee van na sinasakyan nina Kumar, Ret at Ngie.

Sinabi ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief, Director Nicanor Bartolome na nagpadala na umano ng “surrender feeler” ang ina ni Lou sa pulisya.

Natukoy naman sina Faycho at PO2 Faculdar na kasama sa mga nandukot nang positibong kilalanin ni Sr. Insp. Apolinario na siyang nakabaril sa kanya nang humingi sa kanya ng saklolo ang nakatakbong si Kumar.

Bukod sa mga kasong kriminal, sinabi ni Bartolome na sinampahan na rin ng mga kasong administratibo sina Faycho, Facular at Zapata.  Ipinag-utos naman ang manhunt operation laban sa iba pang suspek habang kinikilala pa ang iba pang katao na sangkot sa insidente.

ANDY BRYAN NGIE

BALDEV SINGH BRAR

CHARLES PINEDA LOU

DEEPAK KUMAR

DIRECT ASSAULT

DIRECTOR NICANOR BARTOLOME

KUMAR

LOU

NGIE

SR. INSP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with