^

Metro

Seguridad sa Pista ng Nazareno kasado na

-

MANILA, Philippines - Kasado na ang paghahanda ng Manila Police District (MPD) sa inaabangang Pista ng Itim na Nazareno sa Enero 9 (Linggo). Ayon kay MPD director C/Supt. Roberto Rongavilla, may 3,000 pulis ang ipakakalat sa ilang strategic areas upang uma­lalay sa selebrasyon at sa seguridad ng mga deboto ng Black Nazarene na ipaparada mula Quirino Grandstand pabalik sa Minor Basilica, sa Quiapo, Maynila. Magmumula umano sa MPD at augmen­tation mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang ilalagay para sa seguridad ng inaasahang milyun-nilyong deboto na lalahok sa tradisyunal na prusisyon, sa ika-404th anibersaryo. Tiniyak din ni Rongavilla na plantsado na ang naging pakikipag-ugnayan ng MPD sa mga barangay officials at civilian volunteers na lalahok at magsasa-ayos ng okasyon. Mula umano noong nakaraang linggo  nagsagawa ng clearing ang kapulisan sa mga erya na maapektuhan ng prusisyon upang hindi makagambala sa okasyon at maiwasan ang anumang insidente na hindi inaasahan. Nabatid na Sabado ng gabi, Enero 8 ay dadalhin na ang replica ng itim na Nazareno sa Quirino Grandstand at doon ito sisimulang iparada sa Enero 9 sa  mga nakagawiang kalye bago ibalik sa sim­bahan ng Quiapo. (Ludy Bermudo at Doris Franche)

vuukle comment

BLACK NAZARENE

DORIS FRANCHE

ENERO

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT

MINOR BASILICA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

NAZARENO

QUIRINO GRANDSTAND

ROBERTO RONGAVILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with