^

Metro

Totoy binoga sa ulo, dedo

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Butas ang bungo ng isang 16- anyos na binatilyo makaraang barilin ng isang lalaki habang naglalakad sa may Commonwealth Avenue sa lungsod Quezon kamakalawa. Kinilala ni PO2 Hermogenes Capili ng CIDU ng Quezon City Police ang biktima na si Mike Christian Duenas, 2nd year high school student sa Montalban High School at residente ng Hubart Subdivision, Brgy. Pasong Tamo sa lungsod.

Blangko naman ang awto­ridad sa pagkakakilanlan ng sus­pect na pinalalagay nilang posibleng miyembro ng isang gang. Sa imbestigasyon, nang­yari ang insidente sa may Commonwealth Ave. corner Kasunduan St., Brgy. Common­wealth ganap na alas-9 ng gabi.

Ayon sa isang Lea dela Vega, nakita niyang naglalakad ang biktima sa nasabing lugar nang lapitan ng suspect at barilin sa ulo. Nang bumuwal ang biktima ay saka mabilis na tumakas ang suspect. Pinalalagay ng pulisya na napagkamalan lamang ang biktima ng ilang gang na madalas na pinagmumulan ng kaguluhan sa nasabing lugar. Patuloy ang pagsisiyasat ng CIDU sa nasabing insidente.

vuukle comment

BRGY

COMMONWEALTH AVE

COMMONWEALTH AVENUE

HERMOGENES CAPILI

HUBART SUBDIVISION

KASUNDUAN ST.

MIKE CHRISTIAN DUENAS

MONTALBAN HIGH SCHOOL

PASONG TAMO

QUEZON CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with