^

Metro

Bangkay ng 1 pang dinukot sa Pasay, natagpuan

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nagpadala na kahapon ng mga tauhan si Pasay City Police chief, Sr. Supt. Na­poleon Cuaton sa lalawigan ng Pangasinan upang kumpirmahin ang pagkakaki­lanlan sa isang bangkay na natagpuan na maaaring ito ang isa sa dinukot na lalaki sa Pasay City noong nakaraang Disyembre 20.

Sinabi ni Cuaton na nakipag-ugnayan na sa kanila ang Pangasinan Provincial Police Office matapos na matagpuan ang bangkay ng lalaki sa isang barangay sa Labrador, Pangasinan.

Tutukuyin ng ipinadalang police team ni Cuaton kung ang naturang bangkay ay si Andy Bryan Ngie na dinukot noong Disyembre 20 sa FB Harrison Street sa Pasay ka­sama si Rommel Sales. Na­katakas at nakaligtas sa naturang insidente ang Indian national na si James Khumar.

Sinabi pa ni Cuaton na may ulat na may nakapag-withdraw ng halagang P7,000 sa ATM account ni Ngie sa Urdaneta City, Pangasinan kaya posibleng sa naturang lalawigan dinala ito.  Sa inisyal ring impormasyon, tumugma ang deskripsyon ng lokal na pulisya ng Pangasinan sa pisikal na anyo ni Ngie.

Umakyat naman sa anim ang pangalan na kinilala ni Cuaton na itinuturo ni Khumar na sangkot sa tangkang pagdukot sa kanya at may kaugnayan sa pagkawala ng dalawang kasamahan.  Kabilang dito sina Police Chief Insp. Edwin Faycho, hepe ng District Anti-Illegal Drugs (DAID) ng Quezon City Police District; mga tauhan na sina PO3 Hector Hernandez; P03 Narciso Hitam; PO3 Noel Hernandez; PO2 Edmund Peculdar; at PO2 Jeffrey Dela Cruz.

Itinatanggi ng grupo ni Faycho na sangkot sila sa na­turang insidente.  May lehi­timong operasyon umano sila sa naturang lugar patunay na may koordinasyon sila sa Pasay police at nagkataon lamang na naroroon nang ma­ganap ang pagdukot sa mga kasamahan ni Khumar.

Samantala, isa sa tinututukan na anggulo sa imbestigasyon ang posibleng away sa posisyon sa Khalsadiwan Indian Sect Temple na nasa UN Avenue, Maynila kung saan si Khumar ang pangulo. Posible umano na may mga kasama­han sina Khumar na nais aga­win ang puwesto at nasa likod ng tangkang pagdukot dito.

ANDY BRYAN NGIE

CUATON

DISYEMBRE

EDMUND PECULDAR

EDWIN FAYCHO

HARRISON STREET

HECTOR HERNANDEZ

KHUMAR

PANGASINAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with