^

Metro

Petisyon uli sa SLEX inihain

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Plano ng isang abogado na hilingin sa Korte Suprema na i-cite for contempt ang pamu­nuan ng South Luzon Tollways Corporation o SLTC matapos ipatupad noong Enero 1 ang dagdag-singil sa toll sa South Luzon Expressway  (SLEX).

Iginiit ni Atty. Ernesto Francisco na hindi pa dapat sini­mulan ang toll fee increase sa SLEX noong Sabado dahil hindi pa naman final and exe­cutory ang desisyon ng Korte Suprema nang bawiin nito noong Oktubre ng nakaraang taon ang temporary restraining order (TRO) sa pagpapatupad ng SLEX toll hike.

Sinabi ni Francisco na naka­binbin pa sa Kataas-taasang Hukuman ang inihain nitong motion for reconsideration noong ika-15 ng Nobyembre ng nakalipas na taon.

Matatandaang noong ika-29 ng Disyembre, naghain si Francisco ng supplemental petition sa Korte Suprema kung saan muli niyang hiniling na pigilin ang pagpapatupad ng SLEX toll hike.

Naninindigan si Francisco na hindi dapat ipatupad ang dagdag-singil sa SLEX toll dahil inaprubahan iyon ng Toll Regulatory Board o TRB nang hindi ikinukunsulta sa publiko.

Kinuwestiyon din nito ang P3.20 na kada kilometrong toll fee increase na pinairal ng SLTC noong Enero 1,  gayong 27 sentimo lamang ang unang inaprubahan ng TRB.

Lumalabas umano na gus­tong bawiin ng SLTC ang 900 milyong piso na umano’y lugi nito dahil sa pagkakaantala ng implementasyon ng toll fee hike nang magpalabas ang Korte Suprema ng TRO noong Agosto na binawi naman makalipas ang dalawang buwan.

AGOSTO

DISYEMBRE

ENERO

ERNESTO FRANCISCO

KORTE SUPREMA

NOONG

SOUTH LUZON EXPRESSWAY

SOUTH LUZON TOLLWAYS CORPORATION

TOLL

TOLL REGULATORY BOARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with