^

Metro

28 kelot sa QC may HIV-AIDS

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Umabot   sa 28 kalalakihan ang hinihinalang positibo sa nakakamatay na sakit na HIV-Aids sa lungsod Quezon. Ayon kay Dra. Anto­nietta Inume­rable, chief ng city health department sa lungsod, ang resulta ay bunga ng lumabas sa voluntary testing at counselling na isinagawa ng local government matapos ang HIV-AIDS awareness program dito. Sinabi ni Inumerable, ang 28 kalalakihan na nasa ka­tegoryang “men having sex with men” ay kanilang nadis­kubre nito lamang November 23 hanggang December 18, 2010. Nabatid na 2,300 na hinihinalang carrier ng virus ang kanilang inimbita subalit 449 lamang dito ang boluntaryong nagpasuri. Ayon pa sa doktora, kara­mihan sa mga reactive carrier­ ay mga estudyante, sex workers, ordinary workers na nag-eedad ng 18 hanggang 45-anyos. Samantala, tatlo naman ang nagpositibo sa syphilis noong 2010. Dagdag ni Inumerable, sa kabuuan, humigit kumulang sa 40 kaso ng HIV-AIDS ang naitala noong 2010, habang mahigit sa dalawampu naman ang naitala noong 2009.

ANTO

AYON

DAGDAG

DRA

INUME

INUMERABLE

NABATID

QUEZON

SAMANTALA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with