^

Metro

Nakuhanan ng CCTV habang nagwawala: Deputy chief ng Pasig Police, sibak sa puwesto

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Tuluyan nang sinibak sa kanyang puwesto ang deputy chief ng Pasig City Police dahil sa ginawa nitong pagwawala bitbit ang isang M-16 armalite makaraang sitahin ng mga security guard dahil sa maling pagparada ng sasakyan sa Ortigas Center, nitong nakaraang bisperas ng Bagong Taon.

Ipinag-utos ni NCRPO chief, Director Nicanor Bartolome kay EPD director Chief Supt. Francisco Manalo ang pagtanggal sa puwesto kay Chief Insp. Oscar Magtibang makaraang mapanood ang video­ footage na kuha ng “closed circuit television (CCTV) camera” sa ginawang nitong pagwawala.

Nabatid na pumarada umano ang nakasibilyan na si Magtibang sa isang gilid ng kalsada sa Ortigas Center kung saan sinita ito ng security guard sa naturang lugar dahil sa bawal mag-park doon.  Dito umano nagalit ang pulis na tumawag ng back-up na tauhan at lumabas ng kotse bitbit ang armalite kung saan pinagmumura ang mga security guard.

Pinadis-armahan na rin ni Bartolome ang naturang pulis at pansamantalang itinalaga sa EDP Holding Area habang isinasailalim sa imbestigasyon.

Sinabi ni Bartolome na isasailalim sa proseso ng imbesti­gasyon si Magtibang kung saan kukunan din ito ng kanyang sa­­laysay upang mabatid naman ang depensa nito sa insi­dente.  Dito umano ibabase ang parusang ipapataw sa opisyal na maaaring suspensyon, demosyon o posible ring tuluyang pagsibak sa serbisyo kung mapapatunayan ang bigat ng pagkakasala nito.

BAGONG TAON

BARTOLOME

CHIEF INSP

CHIEF SUPT

DIRECTOR NICANOR BARTOLOME

DITO

FRANCISCO MANALO

HOLDING AREA

MAGTIBANG

ORTIGAS CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with