Nabubulok na bangkay, natagpuan

MANILA, Philippines - Amoy ng isang patay na daga ang naging susi upang madiskubre ang nabubulok ng bangkay ng isang lola sa loob ng kanyang bahay sa Malate, Maynila. 

Ayon sa mga residente, kinakatok nila ang tahanan ni Paulita Pinili, ng no.1910 Singalong St., Malate, Maynila upang alamin kung doon nagmumula ang masangsang na amoy dakong 1:30 ng hapon ng Sabado.

Nang wala umanong sumasagot, sapilitan nilang bi­nuk­san ang pintuan at doon natagpuan ang nabubulok na bangkay ng biktima.

Sinabi ni C/Insp.  Armand Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, huling nakitang buhay ang biktima noon pang Disyembre 27.

Walang indikasyong may foul play sa insidente na pinaniniwalaang­ natural death lamang dahil sa edad nito.

Show comments