P14-M ari-arian naabo

MANILA, Philippines - Aabot na sa P14 mil­yong halaga ng ari-arian ang naabo matapos ma­sunog ang bodega ng pabrika ng garment sa hang­ganan ng  Parañaque City at Muntinlupa City.

Sa inisyal na ulat ng Muntinlupa City Fire Department. Tinupok ng apoy ang bodega ng  Style Work Manufacturing Corp. sa East Service Road, Villonco St., Brgy. Sucat.

Dakong alas-4:11 ng umaga nang magsimulang kumalat ang apoy sa building 3 at building 4 hanggang sa kumalat  ito sa kalapit na gusali.

Ilang oras ang nakalipas bago maapula ang apoy bandang alas-8:35 ng umaga, kahapon.

Wala namang napaulat na nasugatan habang pa­tuloy naman ang pagsi­siyasat.

Show comments