P14-M ari-arian naabo
MANILA, Philippines - Aabot na sa P14 milyong halaga ng ari-arian ang naabo matapos masunog ang bodega ng pabrika ng garment sa hangganan ng Parañaque City at Muntinlupa City.
Sa inisyal na ulat ng Muntinlupa City Fire Department. Tinupok ng apoy ang bodega ng Style Work Manufacturing Corp. sa East Service Road, Villonco St., Brgy. Sucat.
Dakong alas-4:11 ng umaga nang magsimulang kumalat ang apoy sa building 3 at building 4 hanggang sa kumalat ito sa kalapit na gusali.
Ilang oras ang nakalipas bago maapula ang apoy bandang alas-8:35 ng umaga, kahapon.
Wala namang napaulat na nasugatan habang patuloy naman ang pagsisiyasat.
- Latest
- Trending