3 tomador itinumba sa inuman
MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa Bagong Taon laban sa tatlo-kataong nag-iinuman ng alak makaraang pagbabarilin ng dalawang ’di-pa nakilalang lalaki sa bahagi ng Brgy. Pasong Tamo sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni P/Chief Inspector Ariel Capocao, hepe ng Investigation Section ng Quezon City Police District, ang mga napaslang na sina Felsem Cervantes, 40, electrician, ng Area 2 Major Marcos St.; Ben Ternal, 39, construction worker; at si Michael Ternal, 23, kapwa nakatira sa #33 4th St. sa nabanggit na barangay.
Sa ulat ni PO2 Loreto Tigno, naganap ang krimen sa harapan ng bahay ng mag-utol na Ternal kung saan naimbitahan lamang makipag-inuman si Cervantes.
Nabatid na tinanong ng matandang Ternal si Cervantes kung may baril ito na maaring magamit na proteksyon laban sa grupo na kaaway niya.
Dahil sa walang maisagot si Cervantes ay nagpatuloy ang tatlo sa inuman at kuwentuhan hanggang sa dumating si kamatayan.
- Latest
- Trending