Regalong handog ni Piolo, ipinamahagi ni Lim
MANILA, Philippines – Personal na ipinamahagi ni Manila Mayor Alfredo Lim, ang pamaskong handog ng hunk actor na si Piolo Pascual sa mga residenteng nasunugan sa may Baseco Compund, Port Area,Maynila.
Umaabot sa 400 sako ng bigas, noodles, kape, asukal at ham ang ipinamudmod ng alkalde sa mga residente sa lugar na nanggaling mula sa Hebreo Foundation ng aktor.
Bagama’t hindi dumating ang aktor, kinatawan naman ito ng kanyang kapatid na si Mila at tumulong sa alkalde sa pagpapamahagi ng regalo sa mga mahihirap at nasunugang residente ng Baseco.
Hindi naman maitago ni Lim ang kanyang pasasalamat sa aktor sa tulong nito sa Lugsod kung saan sinabi nito na isa ito sa mga artistang may ginintuang puso.
Nauna dito, magugunita na noong nakalipas na taon ay naging natuwang din ni Lim ang aktor sa pamimigay ng regalo sa nasabing lugar.
- Latest
- Trending














