^

Metro

Technician pumalag sa holdap, todas

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang computer technician makaraang barilin ng isa sa dalawang holdaper na nambiktima sa mga pasahero ng isang jeep, kamakalawa ng gabi sa Pasay City. Nakilala ang biktima na si Bernardo Vergavera, 44, ng B. Dagonoy St., Singa­long, Manila sanhi ng isang tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa kanyang leeg. Naganap ang insidente dakong alas-11:10 ng gabi sa kahabaan ng Taft Avenue malapit sa BBL Bus Terminal sa Gil Puyat Avenue makaraang magpanggap na mga pasahero ang dalawang holdaper bago naglabas ng baril at patalim at pagsapit sa madilim na bahagi ng Taft Ave. ay kaagad tinutukan ng baril sa leeg si Vergavera habang sina­samsam ng kasama ang kanyang mga personal na gamit. Pumalag umano si Vergavera at nagtangkang manlaban sa dalawa subalit pina­putukan kaagad siya ng suspect bago mabilis na bumaba ng jeep at nagtatakbong palayo sa lugar, tangay ang nakullimbat sa mga biktima.

vuukle comment

BERNARDO VERGAVERA

BUS TERMINAL

DAGONOY ST.

GIL PUYAT AVENUE

NAGANAP

NAKILALA

PASAY CITY

TAFT AVE

TAFT AVENUE

VERGAVERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with