Penalty condonation ng SSS, ipatutupad sa 2010
MANILA, Philippines - Magpapatupad ang Social Security System (SSS) ng loan penalty condonation program para sa mga miyembro nitong hindi pa nakakapagbayad sa kanilang obligasyon sa susunod na taon.
Sinabi ni Ms Aida de Silva, head ng Member Loans Program Management Department ng SSS , ilulunsad nila sa Enero 3, 2011 ang tinatawag na ‘Penalty Condonation Program for Unremitted or Delinquent Loan Amortizations of Employees by Employers’ at magtutuloy hanggang Hunyo ng susunod na taon.
Ayon kay de Silva, ang mga applikante ng programa ay mabibigyan ng pagkakataon na bayaran ng buo o installment ang kanilang pagkakautang at mabubura na rin ang ‘delinquent tag’ sa kanilang mga accounts.
Sakop ng programa ang mga hindi pa nabayarang salary loans, calamity loans, emergency loans, education loans, privatization fund loan at stock-investment loan program.
Ang mga employers na hindi rin nagre-remit ng loan payment ng kanilang mga empleyado ay pasok din sa nasabing loan condonation program.
- Latest
- Trending