^

Metro

Dahil sa tollway mishap, Yearly seminar sa ambulance driver

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Matapos ang malagim na trahedya sa Skyway Toll Plaza sa Taguig City na ikinasawi ng tatlo katao, isasailalim na sa taunang seminar ng Land Transporation Office (LTO)  ang mga driver  ng ambulansiya lalo na ang mga nasa Metro Manila.

Ayon kay LTO Chief Virgie Torres, nakapaloob sa seminar ang character formation o values formation at defensive driving ng mga driver  at kahit na ambulansya pa ang kanilang minamaneho dapat sumunod pa rin ang mga ito  sa batas trapiko at hindi dapat na nag-o-overspeeding sa kalye.

Aniya, alam naman ng  mga motorista na kapag nagwang-wang na ang mga ambulansya, awtomatikong tumatabi ito para bigyan daan sila.

Bukod sa seminar, pinag-aaralan na rin  ng LTO ang pagbibigay ng taunang pagsusulit sa mga driver  ng mga  ambulansiya para ma-up­grade sa tuwina ang kaalaman ng mga ito sa road safety tips.

Kaugnay nito, sinabi ni Director Edgar Cabase, head ng Law Enforement Service ng LTO,  susuriin din nila ang road worthiness ng mga ambulansya sa bansa .

ANIYA

CHIEF VIRGIE TORRES

DIRECTOR EDGAR CABASE

LAND TRANSPORATION OFFICE

LAW ENFOREMENT SERVICE

METRO MANILA

SKYWAY TOLL PLAZA

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with