^

Metro

PALEA building natupok

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Tinututukan ngayon ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang anggulong sinadya ang naganap na sunog na tumupok sa apat na palapag na gusali na tinutuluyan ng ilang miyembro ng Philippine Airlines Employees’ Union (PALEA), kahapon ng umaga sa Parañaque City.

Sa ulat ng Parañaque Fire Dept., dakong alas-7:03 ng umaga nang unang sumiklab ang apoy sa ikatlong palapag ng gusali na nasa Tomas Claudio St. sa Baclaran na ginagawang opisina ng PALEA at nakaimbak ang mga mahahalagang dokumento.

Umakyat sa Task Force Delta ang alarma ng sunog kung saan tuluyang naapula ang apoy ganap na alas-12 ng tanghali.  Umaabot naman sa P3 milyon ang tinatayang ari-ariang nasunog sa in­sidente.

Sinabi ni Gerry Rivera, pangulo ng PALEA, na may 20 nilang miyembro ang nanunuluyan sa naturang gusali.  Wala namang nasaktan sa mga ito makaraang makalabas agad bago pa man kumalat ang apoy.

Ayon kay BFP-NCR Director Pablito Cordeta, maaaring nag-umpisa ang apoy sa napabayaang de-kuryenteng appliances ngunit inaalam rin nila ang anggulo na may pananabotaheng naganap.

AYON

BACLARAN

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DIRECTOR PABLITO CORDETA

FIRE DEPT

GERRY RIVERA

SINABI

TASK FORCE DELTA

TOMAS CLAUDIO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with