^

Metro

6 ospital sa Maynila inalerto sa mga biktima ng paputok

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila Mayor Alfredo Lim na handa na ang  anim na ospital ng lungsod laban sa posibleng pagdagsa ng mga magiging biktima ng paputok kaugnay ng selebras­yon at gagawing pagsalubong sa Bagong Taon gamit ang iba’t ibang uri ng paputok.

Ayon kay Lim, naging tra­disyon na ng  mga  Pinoy ang paggamit ng mga paputok kung kaya’t agad niyang inatasan ang mga hepe ng anim na ospital na kinabibilangan nina Dr. Fidel Chua  ng Gat Andres­ Bonifacio Me­morial Medical Center; Dr. Jun Cando, ng Ospital ng Tondo; Dr. Teodoro Martin  ng  Jose Abad Santos Mother and Child Hospital; Dr. Marlon Millares ng  Ospital ng Sampaloc; Dr. Janet Tan, Ospital ng Maynila at Dr. Mario Lato ng Sta. Ana Hospital na ihanda ang kanilang mga tauhan para sa 24 oras na monitoring simula  sa Disyembre 31.

Kasabay nito,  maging ang  52 health centers ay pinaghahanda din ng mga gamot para  sa pagbibigay ng first aide sa mga biktima.

Bukod dito, pinayuhan din ni  Lim ang publiko na magtungo na lamang  sa Baywalk upang manood ng fireworks display na magsisimula  dakong alas-11:30 ng gabi ng  Disyembre 31.

Gayundin inatasan din ni  Lim si Manila Police District (MPD) Director Gen. Ro­berto Rongavilla na magpakalat ng karagdagang pulis upang mapanatili ang kaayusan sa lungsod.  

ANA HOSPITAL

BAGONG TAON

BONIFACIO ME

DIRECTOR GEN

DISYEMBRE

DR. FIDEL CHUA

DR. JANET TAN

DR. JUN CANDO

OSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with